Nang dahil sa "Special Paper"
Mga friends, eto puyat na naman! It's almost 1:15 na ng hapon sabi ng relo ko, pero nandito pa rin ako sa Netopia - Ayala MRT. It's a good thing nakahanap na ako ng special paper para sa gagawin kong "Wishlist" for my agents. Honestly, hanggang ngayon sobrang pressure pa rin ako dahil hindi ko pa rin alam kugn saan gaganapin yung Christmas Party ng team. Sabi nila kung saan daw ba ang gusto ko, I told them kayo ang bahala or if they have suggestions eh di much better. Tonight naka-set yung meeting for our Chistmas Party Event. Kung magkano ang contribution kung sino yung sasama, kung kailan gaganapin, kung sino yung dapat mag-file ng leave etcetera etcetera... I'm really expecting a 100% attendance from them. Kung pwede nga lang sabihing "kapag hindi kayo sumama, ite-terminate ko kayo!". Kaso bawal po! Hehehe! But this time, I'm pretty sure na lahat naman sila eh makakarating. Kasi sinabi ko sa kanila na "Special 'tong Christmas na ito for me kasi it would be the first time na mag-ce-celebrate ako ng Christmas na kasama ko yung mga tao, na itinuring ko na rin na hindi iba sa akin, na may dahilan kung bakit ako naging Team Leader ngayon".
Ang mga anak ko for almost 7 months na! Wow! tagal na rin pala. Salamat talaga at nagtitiyaga pa rin sila sa akin. Hehehe! Somehow, kabisado ko na rin sila lalo na kapag tahimik... may problema 'to! Kapag kumpleto sa tulog... hyper! Bukod sa loob ng trabaho gusto ko rin yung nagkukuwento sila about their life outside work. Sa totoo lang, ang sarap ng feeling nung nakakapag-open sila sa iyo tungkol sa mga personal na bagay na kadalasan pati ako ay nakakapag-kuwento na rin sa takbo ng kuwentuhan namin. Thankful ako kasi pinagkakatiwalaan nila ako, kahit papaano, do'n sa maliit na bahagi ng personal nilang buhay. aba, hindi lahat ng tao sa floor eh alam kung ano at sino sila sa labas ng Citibank building. Tanging ako at ang matatalik na kaibigan nila lamang. Lalo na kapag kaka-tapos ko lang mag-restday o kaya matagal akong nawala, hay naku, nararamdaman ko talaga yung pagka-miss nila sa akin... *wink*
Kakaibang experience, mga dude, ganito siguro ang pakiramdam ng maging tatay...
<< Home