Tuesday, February 07, 2006

"Masochistic"

Yes, naiintindihan kita at alam ko naman na hindi ka galit sa akin. At huwag mong isipin na galit ako. Hindi mo pa nga siguro ako ganun ka-kakilala kaya mo nasasabi na galit ako. Heheheh. Hayaan mo, ikaw na nga rin ang nagsabi before na magkakailala din tayo ng lubos... hindi ko alam kung kailan at saan pero pinanghahawakan ko ang mga salitang iyon. Hindi ko kailangang magmadali, dahil sa sitwasyon ngayon, masyado kasing komplikado. Umpisa pa lang, nang gawin ko ito, alam ko sa sarili ko na may nasaktan na ako at masasaktan pa along the way. At kahit hindi ko man makausap yung mga nasaktan ko, sa totoo lang, gusto kong mag "I'M SORRY" sa kanila. Easier said than done 'no? Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko at sa mga taong pinaghihingahan ko ng mga nararamdaman ko: nakahanda na ako sa lahat ng anumang mangyari kasama na dyan ang mga consequences ng pinasok kong ito... isa na dun ang masaktan.
Haaay, pinapairal ko na naman ang pagiging "masochistic" ko. Dapat ko na sigurong idagdag yang adjective na yan sa profile ko (i.e. funny, lovable and masochistic!). Hindi nga, seryoso ako. Para kahit papaano ay may heads-up na dun sa mga gusto akong makilala in the future.
Anyway, I need to finish this blog-thing na. Few hours from now, magiging "slave" na naman ako ng kompanya namin.
So, pano, alis muna 'ko. I know I'm gonna see you later...