Monday, March 20, 2006

Whew! At last...

I'm back! Dito sa sirkulasyon! Sobrang tagal ko ring hindi nakapag-post dito sa BLOGSPOT ah. Grabe almost 1 month na ata. Anyway, hope evrything's fine sa inyong lahat guys. It's actually a busy "life" for me since the last time na nandito ako. Hindi ko na ma-recall kung ano nga ba yung mga memorable ones lately... ang pagkaka-alam ko eh sobrang dami. After na tumama yung kuko ng paa ko sa pangkalso eh kasabay yata nun ang pagkawala ng memorya ko sa napakaraming bagay. Hehehe. Kung anu-anu na ung nagyari o naganap nitong mga nakaraang araw. At mga bagong tauhan na sumulpot. Eto sila:


  • Si "Little Girl" - siya yung batang ghost na nagpaparamdam sa akin minsan. I never knew that she exixsted kung hindi pa siya nagparamdam sa akin. Madalas siyang tumambay sa area ng team ko at madalas siyang naka-upo sa aking pedestal cabinet! At 1st, freaky ung feeling but as I learned to tlak to her duriong prayers... heheheh, mabait naman pala. Lately nga yata wala na siya sa area namin. May nakapagsabi kasi sa akin na naka-alis na daw siya kasi may nakakita sa kanya sa loob ng elavator, waving goodbye, na parang nagpapa-alam.
  • Sina Edward, Leah & Len - sila naman yung bagong "addition" sa team ko! They're from Batch 25 & I heard na madadagdagan pa ako from Batch 26. Pampuno kumbaga sa mga iba kong agents na nawala / nag-AWOL! Ganun tlga ang buhay "people come - people go!" Wala tayong magagawa, maski anong pigil natin... hndi natin hawak ang mga isip at buhay nila. Anyway, yun nga, I have 3 new agents at na-meet ko na rin sila. Before this month ends eh dun na rin sila sa area nmin uupo. Sabi ko nga dun sa tatlo, BEWARE, kasi mga pasaway yang mga yan at makukulit at sila na lng ang bahalang tumuklas kung sino yung tinutukoy ko... heheheh! Pero tolerable naman din... sabay bawi ko! I'm sure, katagalan eh makaka-sundo din nila yung mga 'yon!

Last Saturday nga lang eh kakagaling ko lng sa outing naming mga ops sa Virgin Beach Resort in Laiya, San Juan Batangas. Haba ng biyahe sa totoo lang (mahigit 4 hours) pero ayos naman kasi sulit naman ang lahat. It's my first time to be with them outside work (Kay, Lito, Vermz, Arnel, Dave, Jaward, RJ, MicMic, Paulo & Beng). Ang lakas maghilik ni Dave! At talaga namang ang goal ko this summer ay mag-pa-TAN!!! As in babad talaga ako sa tubig at sa araw during that period! Succesful naman kasi nakuha ko naman yung TAN na gusto ko. At masusundan pa yung kasi yun din ang magiging GOAL ko sa Summer Getaway ng ACS this time in Puerto Azul! Yipeee! Another tanning session na naman! I'll be posting on my next blog some of the shots na nakunan ko during our stay there.