Tuesday, November 29, 2005

haaaaay... time really flies!

Oh my! November 30 nah! December na bukas tapos maya-maya hindi natin namamalayan New Year na naman. Meaning, panibagong taon ng pagharap sa kung anuman ang nakalaan para sa ating lahat! Whew, naisip ko lang, ano na naman kayang mga events at twist ang pwedeng mangyari? hmmmm...

Well, I know masyado pang maaga para mag Year-End Episode Special ako about my life... remember Marlou, may isang buwan pa'ng nalalabi at gaya ng lagi mong pinaniniwalaan, "marami pa ang maaaring mangyari"!. Oo nga naman maaga pa. Ops, ops... anung maaga pa?! Hellow, eleven months na ang nakalipas isang buwan na lang at tapos na ang 2005! Alam mo ba kung anu ang ibig sabihin nun?! Hindi mo na pwedeng balikan lahat ng iyon! Isang beses lang sa buong buhay mo puwedeng dumaan ang 2005 at kapag natapos na iyon, my goodness, isa na lamang siyang "history" na patuloy mong babalik-balikan habang humaharap ka sa panibagong paglalakbay. May mga konting pagkakamali na sana naitama ko, na sana nakapag-sorry ako, na sana hindi ko na lang ginawa... Pero magkaganon pa man, ayos pa rin! Kasi lahat naman yun e nakapag-contribute sa kung "ano" at "sino" ako ngayon!

O tama na ang pagsi-sintir... hayaan na ninyo na paminsan-minsa eh balikan ko yung mga "highlights" (naks... parang buhok!) ng "my so called life" sa pagsisimula at pagtatapos ng 2005. Anyway, gaya ng mangarap, libre rin naman ang mag balik tanaw eh...

Mahal ko po kayong lahat mga kaibigan ko.