Saturday, December 03, 2005

The One With E.K.H.O.


Today is December 3, 2005 - Saturday... pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ako because of what happen yesterday sa Enchanted Kingdom. Yes, after almost 3 weeks of planning eh natuloy na rin po kami! I don't wanna call it as our official "team building" kasi konti lang sa mga "anak" (yes, yan madalas ang tawag ko sa mga agents ko... anak!) ko ang sumama, so it's like more of "bonding" with some of them after a long time. Imagine the last time na nakasama ko sila sa labas ng company was when we had our 1st team building in Puerto Galera and it's like eons ago! Whew! So yun nga, after ilang weeks ng pagpa-plano... natuloy na rin. It was a nice bonding na alam kong all of us will treasure and remember everytime na magpupunta kami doon ulit... probably kami ulit or with someone else.
Eto nga pala yung mga yung mga kasama ko kahapon sa E.K.:

  • Gienel - agent ko
  • Jhei-R - agent ko
  • RG - agent ko
  • Jorge - (or should I say "Manong" Jorge!) agent ko
  • Rizza - agent ko
  • Apple - agent ko
  • Orange - daughter ni Rizza
  • JM - boyfriend ni Apple
  • Eufie - Trainer ng account namin
  • Richelle - QAR ng mga anak ko for almost 5 months

Nga pala, habang sinusulat ko ang maikling blog na ito... eh meron pa rin akong E.K.H.O. (Enchanted Kingdom Hang-Over!)! Ang sakit ng mga kalamnan ko, malamang epekto ng Space Shuttle! At hanggang ngayon ay nangungulila ako sa nawala kong shades, na aksidenteng nahulog habang umiikot-taas-baba yung tren na pakiramdam ko ay katapusan na ng mundo!

Teka, not to forget yung "Log Jam" at "Anchor's Way" --- shet! hindi ko rin kinaya! Alam nyo naman ako may takot sa mga heights! Buti na lang hindi na namin inaabot ang "Wheel of Fate" dahil kinulang na kami sa oras, pero kung may panahon pa... malamang sinubukan namin. Masarap siguro yung feeling kapag nandun ka sa tuktok ng wheel kapag gabi... how romantic! Ah, malamang sa susunod na lang...