Sad to Belong... daw!
Bakit ganun... kung kelan handa ka nang sabihin at malakas na ang loob mo, saka naman mabubulilyaso! Haaay, sabi nila ang wierd ko daw, kasi hindi ko pa nga kakilala eh mahal ko na. Eh sa ganun ako eh! magagawa ninyo?! Kahit ilang buwan ko lang itinago at naramdaman yung paghanga ko sa kanya eh para sa akin "precious" pa rin yun. Para sa akin, totoo pa rin naman yung naramdaman ko sa kanya.
Ganun nga talaga siguro, at totoo nga yung kasabihan na "the best ones are always taken". Malay ko ba naman na taken na siya?! Though yun nga ang suspetsa ko. Sabay pa sila umuwi... pero sabi ko nung una baka close friends lang. Diba? Maski ako may kasabay din umuwi ng madalas pero kaibigan ko lang so I assume na baka ganun din sila. At bukod dun naka-set na sa sarili kong mundo na ako na yung hinihintay niya... bwahahaha! Hindi naman makapal ang mukha ko niyang lagay na 'yan! (answer: hindi naman masyado... slight lang!) Alam mo naman sa mundo ni Marlou... lahat happy ending, lahat pabor sa kanya. Hehehehe. Hindi ko na talaga alam kung kelan yung unang pagkakataon na nabighani ako sa kanya... Basta alam ko, una ko siyang nakita sa Biometrics. Boom! Dun na nag-start na mapansin at pansinin siya ng isip ko sa tuwing dumadaan siya. Opo, madalas siyang dumadaan sa area namin pano ba naman katabing account lang namin siya... abot-kamay ika nga, physically. Yun, hanggang dun lang... nothing more nothing less. hinahangaan at itinangi ko siya ng malayuan. Sige, hahanap ako ng tiyempo. Yung tipong hindi obvious na papansin ang dating ko... yung hindi obvious na desperate at cheezy (ika nga ni Karlo! hehehehe! special mention ka pa!). Kaso hindi ako makahanap ng tiyempo... Ayan, Marlou, kakahintay at kakahanap mo ng tiyempo... anu napala mo?! Belat!!! SILA NA! Opo... mga avid viewers... nakita sila ng friend ko na magkatabi sa sleeping room. So wala na! Anu pang magagawa ko... kalimutan at mag-move-on na parang walang nangyari. tutal ala naman siyang alam eh. Pero sa mga tingin niya... parang meron! Wow! Ambisyoso ka naman diyan Marlou!
Ah ewan... basta lagi ko na lang siyan huhulihin tumitingin siya sa akin... Aba, sa bawat araw hindi bababa sa tatlo kapag binilang ko! Natural, lagi siyang dumadaan sa area namin eh! Ayan, ngayon titingin-tingin kah! hehehehe! Nagsisisi siguro siya kasi taken na siya at kumbakit lately lang niya na-realize na ako pala dapat yun kesa kay _ _ _ _! Okay lang yan dude... kaya nga may kantang "It's Sad to Belong" (to someone else when the right one comes along).
Mwahahahahahah!